AMMAN, Jordan--Yumukod sina bantamweight Mario Fernandez at lightweight Junel Cantancio sa mabibigat na katunggali upang malagay sa alaÂnganin ang paghahabol sa medalya ng Pilipinas sa Asian Elite Men’s ChamÂpionships dito.
Hindi napanatili ni Fernandez ng Cagayan de Oro ang magandang paniÂmula nang bumigay sa mga palitan nila ni KazakhsÂtan national champion Kairat Yeraliyev sa huling dalawang rounds para lasapin ang 29-28 unanimous decision pagkatalo sa tatlong hurado.
Si Cantancio na sariwa sa pagkapanalo ng pilak sa China Open ay hindi rin kinaya ang beteranong si Ardee Sailom ng Thailand para maging ikatlong boksingero sa limang ipinadala ng ABAP na namahinga na.
Ang 2008 Beijing at 2012 London Olympics veteÂran na si Sailom ay guÂmamit ng kanyang lakas para madomina ang laban tungo sa unanimous decision panalo laban sa 27-anyos na si Cantancio.
Bunga ng pangyayari, sina 2010 Guangzhou Asian Games Rey Saludar at baguhang Rogen Ladon na lamang iaasa ang hanap na medalya sa kompetisyong nilahukan ng 27 bansa.
Kalaban ni Saludar si Ongjunta Tanes ng ThaiÂland habang si Ladon ay makakasukatan si TeÂmertas Zhussupov ng KaÂÂzakhsÂtan at ang manaÂnalo ay makakatiyak na ng bronze medals.