MANILA, Philippines - Ginawaran si Paeng Nepomuceno ng Gold level coaching validation ng USBC Coaching Certification and Development sa Arlington, Texas.
Ang 56-anyos na si Nepomuceno na International Ambassador ng Bowling ng USBC ay nakapagturo na sa iba’t-ibang panig ng mundo sa Bronze at Silver seminars bago itinaas ang kanyang ranggo.
“Knowledge is a never-ending thing,†wika ni Nepomuceno. “It will make me work harder so I can develop more coaches, and the coaches I train will develop more bowlers. Hopefully, it will get my sport in the Olympics some day when we develop more coaches and more bowling athletes. That’s my ultimate goal, to help others.â€
Bago naging coach, si Nepomuceno ay kilalang bowler sa buong mundo dahil siya lamang ang bukod-tanging bowler na nanalo ng apat na BowÂling World Cup titles (1976, 1980, 1992 at 1996) at siyang pinakabata (edad 19) na nanalo ng World Cup.
Nagkampeon din siya sa World’s Invitational Tournament noong 1984 at sa World Tenpin Masters noong 1999 at noong Setyembre, 2003, sa prestihiyosong Bowlers Journal International, ang kaliweteng, 6’2 na si Nepomuceno ang kinilala bilang ‘Greatest International Bowler of All Time’.
Ang USBC Gold ang pinaÂkamataas na sertipikasyon sa mga coaches at si Paeng ang isa sa 25 na aktibong coaches na may ganitong titulo pero kauna-unahan sa Asia.