MANILA, Philippines - Walang itulak-kabigin sa anim na koponang magÂlalaban-laban para sa kampeonato sa kauna-unahang Philippine SuperLiga na magsisimula sa Linggo sa Philsports Arena sa Pasig City.
Ito ay dahil sa katotohaÂnang malakas ang mga manlalarong bubuo sa mga magtatagisan na agad na makikilatis sa unang araw ng kompetisyon dahil lahat ng teams ay sasalang sa aksyon.
Ang mga dating pambato ng UAAP champion La Salle na sina Michelle Guambao, Maureen PeneÂtrante, Stephanie Mercado at Ivy Remulla ay magkakasama sa Bingo Milyonaryo na hawak ni Ronald Dulay.
Ang mahusay na libero na si Jennelyn Reyes ay makakasama nina Venus Bernal at Michelle Datuin sa Cignal na hawak ni NCAA champion coach Sammy Acaylar habang sina dating San Sebastian players Lou Ann Catigay at Laurence Latigay ay maÂkakasama sina Adamson players Pau Soriano at Lislee Ann Patone sa PLDT-MyDSL na gagabayan ni Francis Vicente.
Ang manlalaro at coaches ng iba pang kopoÂnan ay sina Gretchen Ho, Charo Soriano at Roxanne Pimentel sa Petron na hawak ni Vilet Ponce-de Leon; Wendy Semana, Jheck Dionela, Joyce TuÂbino sa Cagayan Valley ni coach Nes Pamillar; at sina daÂting national player Mary Jean Balse, Michelle at Marietta Carolino ng Philippine Army-TMS Shipping na hawak ni coach Rico de Guzman.
Si Shanrit Wongprasert, na EVP ng Asian Volleyball Confederation (AVC) sa Southeast Asian Zone ay nasa bansa at sasaksihan ang draw para sa mga maglalaro sa opening day bukas.