MANILA, Philippines - Nirerebisa na ng PBA Honors Committee ang mga kandidato at ang mga kontribusyon ng mga ito para sa susunod na grupo na iluluklok sa PBA Hall of Fame.
Inaasahang malalaman ang desisyon ngayon araw na siyang deadline na ibinigay sa mga miyembro ng Honors Committee para isumite ang kanilang mga boto.
Ang mga nominado ng Selection Committee ay sina two-time MVP winner Benjie Paras, Shell teammates Ronnie Magsanoc at Arnie Tuadles, pioneer PBA player Lim Eng Beng, coach Ed Ocampo, ex-Alaska resident import Sean Chambers, longtime league official Elmer Yanga, referee Igmidio Cahanding at media man Fred Luarca.
Ang mga miyembro ng Honors Committee ay sina PBA commissioner Chito Salud, PBA Board chair Robert Non, immediate past chair Mert MondraÂgon, incoming chair Ramon Segismundo at sina media people Bobby Barreiro, Ding Marcelo, Joe Antonio at Lorenzo Lomibao Jr.
Tatlong boto mula sa isang eight-man Honors Committee ang kailangan ng mga nominees para mailuklok sa Hall of Fame.
Ang pang limang PBA Hall of Fame ceremony ay idaraos sa pagbubukas ng 2014 PBA season o sa hiwalay na event bago ang pagsisimula nito.
Kabuuang 36 indiviÂduals ang nailuklok na sa Hall of Fame noong 2005 sa pangunguna nina initial honorees Robert Jaworski, Ramon Fernandez, Atoy Co, Philip Cezar, Bogs Adornado, Francis Arnaiz, Baby Dalupan, Leo Prieto, Emerson Coseteng, Rudy Salud, Danny Floro at Joe Cantada.
Inaasahang makakasama si Paras sa susunod na batch mula sa kanyang record na kauna-unahang Rookie of the Year at MVP noong 1989.
Sina PBA officials RiÂcÂkie Santos at Willie Marcial, sports columnists Joaquin Henson at Dennis Principe, PBA Press Corps president Musong Castillo, TV5’s Magsanoc at Paras, kumakatawan sa players’ group, ang bumubuo sa Selection Committee.