Sinclair U22 National Finals sa July 4

MANILA, Philippines - Sa Hulyo 4 na lalarga ang National Finals ng 2013 Sinclair Paints U22 Super League sa Laguna Sports Complkex, Recs Village, Barangay Bubukal, Sta. Cruz, Laguna.

Apat na araw gagawin ang national championship at ang mga maglalaban-laban ay ang National Capital Region-Manila, Laguna A, Laguna B, Zamboanga, Aklan, Gen. Trias sa Cavite, Lyceum-Zambales at Sorsogon.

“This will be the culmination of our nationwide tournament,” wika ni Sinclair Paints chief executive Derrick Tan na siya ring may-ari ng Handy Fix.

Sa Hulyo 3 pormal na iaanunsyo ang official schedule at tournament format ayon kay tournament commissioner Darren Evangelista, ang pinuno rin ng Evangelista Aquatics and Sports Management Inc. (EASMI).

Ang Sinclair U22 Super League ay may basbas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at ang hihiranging national champion ay mag-uuwi din ng P100k premyo.

Show comments