MANILA, Philippines - Lumasap ng 50-0 pagÂkatalo ang Philippine Rugby team sa kamay ng Japan para wakasan ang ‘di magandang ipinakita ng koponan sa Rugby World Cup Sevens sa pagtatapos ng kompetisyon kahapon sa Moscow, Russia.
Ang Pilipinas at Japan ay nakasama sa walong koponan na naglaban para sa Bowl trophy matapos hindi makatikim ng panalo sa preliminary round.
Pinangatawanan naman ng Japan ang pagiÂging number one sa Asian region sa naiukit na dominanteng panalo.
Bago ito, ang Philippine Volcanoes ay naglaro sa prelims sa Pool C ngunit lumasap sila ng 45-5 pagkatalo sa Kenya, 29-0 pagÂyukod sa Samoa at 19-7 pagluhod sa Zimbabwe.
Ito ang unang pagkaÂkataon na nasali ang Pilipinas sa World Cup at nangyari ito nang talunin ang South Korea sa qualifying noong nakaraang taon.
Ang nakuhang karanaÂsan ng Volcanoes ay magagamit nila para palaÂkasin pa ang kaalaman sa larong rugby bilang paghahanda sa posibleng pagsali sa Asian Games sa Incheon Korea sa 2014 na kung saan ang sport ay isa sa mga lalaruin.