MANILA, Philippines - Binigyan ng Philippine Olympic Committee ng pagkilala ang ilang persoÂnalidad na nakatulong para bumangon ang palakasan ng bansa sa isinagawang Olympic Day celebration sa University of Makati kahapon ng umaga.
Kasama sa kinilala ni POC president Jose Cojuangco Jr. ang mga manuÂnulat sa sports ng The PhiÂlippine Star na sina Joaquin Henson at Gilbert Sta. Maria Cordero na binigyan ng Sports for All awards.
Ang DSZR Sports Radio at si Felipe “Jun†Navarro III ng pahayagang Philippine Daily Inquirer ang mga ginawaran pa ni Cojuangco ng parangal sa hanay ng mga media.
Si dating PSC chairman at columnist din ng The PhiÂlippine Star na si Philip Juico ay may parangal din katulad ng dating Pangulong Fidel Ramos at Bise Presidente Jejomar Binay at dating kinatawan ng IOC sa Pilipinas Frank Elizalde dahil sa kanilang walang sawang pagkalinga sa palakasan.
Si Binay ang siyang panauhing pandangal at sa kanyang pananalita ay hinimok niya ang kabataan na pumasok sa sports habang mga bata pa.
Si PSC chairman Ricardo Garcia ang nakatuwang ni Cojuangco sa pag-abot ng mga tropeo habang ang iba pang POC officials na nakiisa ay sina 1st Vice President Jose Romasanta at 2nd VP at Chief of Mission Jeff Tamayo.