San Miguel Beer ikakasa sa FIBA-Asia Champions Cup

MANILA, Philippines - Hindi makakasali ang Gilas Pilipinas II sa FIBA-Asia Champions Cup sa Setyembre 13-21 sa Amman, Jordan kaya ang ba­gong ABL champions na San Miguel Beer ang inimbitahan ni SBP executive director Sonny Barrios para katawanin ang bansa.

Ang torneo ay makakasabay ng 2013 PBA Go­vernors Cup na nakatakda sa Agosto 14 kung saan maglalaro ang karamihan sa mga miyembro ng Gilas II.

“The Champions Cup is scheduled in the middle of the PBA Governors Cup so PBA players won’t be avai­lable,” ani San Miguel Corp. director of sports Noli Eala. 

Sinabi pa ni Eala na ang pagsali ng Beermen ay inaprubahan na ni San Miguel Corp. president Ramon S.  Ang.  

 Ayon kay Eala, dapat palakasin ang Beermen para matiyak na lalaban ito para sa korona, habang may problema naman sa kanyang citizenship si Banchero.

“If we go, we want to contend for the championship. I will submit a budget and lineup for Boss RSA’s approval. We are handicapped because coach Leo (Austria) will not be available because of his commitment with Adamson in the UAAP,” ani Eala. “Under FIBA rules, Chris may not be eligible because his dual citizenship was confirmed after he turned 16.”

Kinausap na ni Eala si naturalized player Marcus Douthit na maglaro para sa Beermen. 

Ang Champions Cup ay idaraos matapos ang FIBA-Asia Championships sa Agosto 1-11. 

Si Kennedy, isang Cleveland Cavaliers ve­teran mula sa St. John’s University, ay susubok sa NBA summer league at sa NBA veterans camp. 

Ang Champions Cup ay inilunsad noong 1981 at sapul noong 1995 edition ito ay idinadaos na taun-taon.

Kung mananalo ang Pilipinas sa Jordan, makukuha nito ang first place sa paramihan ng kampeonato sa bilang na lima kasabay ng pag-iwan sa Iran at Lebanon. 

Sa likod ng Northern Cement, naghari ang bansa noong 1984, ang Swift noong 1988, ang Andok’s noong 1995 at ang Hapee Toothpaste noong 1996.

Show comments