MANILA, Philippines - Hindi malayong umuwing luhaan uli ang Pambansang deleÂgasyon na ilalahok sa 20th Asian Athletics Championships sa Pune, India mula Hulyo 3 hanggang 7.
Ito ay matapos ang pag-atras ni SEA Games long jump queen Marestella Torres sa kompetisyon buÂnga ng injury para maiwan sa 14 na iba pang National tracksters ang pagbalikat sa hanap na tagumpay sa kompetisyon.
“Hindi pa lubusang gumagaling ang sprained ankle niya na nangyari habang nagsasanay sa ULTRA para sana sa Philippine National Games kaya hindi na siya isasama,†wika ni National coach Roselyn Hamero.
Ito ang ikalawang injury ni Torres matapos ang hamstring dahilan upang hindi rin siya naipadala sa tatlong yugtong Asian Gran Prix.
Nakasalalay kay Torres ang hanap na tagumpay dahil siya ang gold meÂdalist sa paboritong event noong 2009 sa Guangzhou, China.
Ang tuwing kada-dalawang taon na torneo na may basbas ng Asian AthleÂtics Associaton (AAA) ay huling ginawa noong 2011 sa Kobe, Japan pero hindi rin sumali si Torres para mawalan ng medalya ang Pilipinas.
Si Katherin Khay Santos, na nanalo ng pilak sa Asian Grand Prix, ang magiÂging entrada ng banÂsa sa women’s long jump habang ang iba pang kasali sa women’s division ay sina Rosie Villarito (jaÂvelin), Loralei Sermona (hammer throw) at Narcisa Atienza (heptathlon).
Kukumpletuhin ang delegasyong suportado ng PSC nina Arniel Ferrera (hammer throw), Henry Dagmil (long jump), Danilo Fresnido (javelin), Mervin Guarte (800-m at 1500-m), Archand Christian Bagsit (400-m at 4x400-m relay), Edgardo Alejan Jr. (400-m at 4x400-m relay), Junrey Bano (400-hurdles at 4x400-m relay), Julius NierÂras Jr. (4x400-m relay), Jesson Ramil Cid (decathlon) at Fil-Am Eric Shauwn Cray (110-m at 400-m hurdles).
Bukod sa tangÂkang panalo, hanap din ng mga kasapi na maabot ang gold medal standard sa SEA Games para masama sa Pambansang delegasyon patungong Myanmar Games sa DisÂyembre.
Isa si Cray sa pagtutuunan ng pansin ng coaching staff ng PATAFA dahil ang kanyang personal best sa 400-m hurdles ay nasa 50.46 segundo na nagawa sa Big Twelver Championship noong Mayo, 2012.
“Ang personal best niyang ito ay lampas na sa 51.45 seconds SEA Games record na ginawa ni Dao Xuan Cuong ng Vietnam noong 2011 sa Indonesia. Kung maabot niya uli ito, puwede siyang magkameÂdalya sa Asian meet,†dagdag ni HaÂmero.
SuÂmali ang 24-anyos na si Cray sa PNG at nakaÂgawa ng bagong Philippine record sa 110-meters sa 11.22 seÂgundo.
KumaÂrera rin siya sa 400-meter hurdles pero sa heat laÂmang nakatakbo dahil nabiktima siya ng diarrhea.