MANILA, Philippines - Hindi maaaring biruin ang lakas ng KaÂÂzakhstan para sa 27th FIBA Asia Men’s Championship na gagawin sa Pilipinas mula Agosto 1 hanggang 11.
Mas titindi ang laro ng nasabing koponan dahil sa pagkuha sa dayuhang coach at ang pagpapalakas gamit ang naturalized player.
Si Italian coach Matteo Boniciolli ang tinapik para siyang dumiskarte sa koponan na pinalakas ang guard spot sa paghirang kay Jerry Johnson bilang kanilang naturaÂlized player.
Magkasama na sina Boniciolli at Johnson sa BC Astana na kampeon sa KazakhsÂtan league noong 2012 at 2013. Beteranong coach si Biniciolli at noong 1996-1999 ang mentor ng Italian U16 National Team.
Ang 31-anyos na si Johnson ay dati namang naglaro sa Turkey, Lithuania, Poland, France at Cyprus bago napunta sa dating bansa na sakop ng Soviet Republic.
Mangunguna naman sa mga locals sina 6’11 Anton Ponomarev, 6’7 Dmitriy Aleksandrovich Gavrilov at Australian-base 6’6 Anatoly Kolesnikov.
May posibilidad na magkasukatan sa tune-up game ang Gilas National team at Kazakhstan National team matapos pumayag ang koponan na pumunta ng maaga sa Manila.
Nasa Group A ang Pilipinas habang nasa Group D ang Kazakhstan sa Group stages pero puwede silang magkita sa crossover quarterfinals na kung saan knockout format ang gagamitin.
Samantala, kinumpleto ng Thailand at Malaysia ang mga koponang maglalaro sa FIBA Asia nang malagay sa unang dalawang puwesto sa katatapos na 10th SEABA Championship sa Medan, Indonesia.
Parehong tumapos ang dalawang bansa ng 2-1 karta sa elimination round upang paglabanan ang kampeoÂnato.
Ang host Indonesia ay hindi nakapasok matapos matalo sa Singapore, 64-74, sa huÂÂling laban.