GUIYANG, China--Tinalo ng 27-anyos na si Junel Cantancio si Wang Bo ng China sa lightweight semifinals upang gaÂwing tatlo ang pambato ng Pilipinas na nasa finals sa China Open Boxing Tournament dito.
Hindi binigyan ng pagkakataon ni Cantancio si Bo na makadiskarte at maÂkaporma sa kabuuan ng tatlong rounds nang walang tigil niyang inararo ito ng suntok tungo sa 30-27 iisang iskor sa tatlong hurado na sumuri sa laban.
Hindi namang pinalad ang inaasahang papasok sa championship round na London Olympian Mark Anthony Barriga na naging anino lamang ng sarili laban kay Wu Zhonglin ng China.
Wala sa kondisyon si Barriga na napahirapan sa diskarteng ipinakita ni Wu para tanggapin ang 28-29, 27-30, 28-29, unanimous decision na pagkatalo.
Ang boksingerong tubong Panabo, Davao del Norte ay itinakbo pa sa ospital matapos ang laban dahil sa na-dislocate na kaliwang hinlalaki na tinamo matapos pakawalan ang isang uppercut sa ikatlo at huling round.
Nakuntento si Barriga sa bronze medal sa light flyweight sa pangyayari.
Kung may isang bagay na nakita ang ABAP sa paglahok sa kompetisyong kinatampukan ng 90 boÂxers mula sa walong bansa, ito ay ang kakulangan pa ng tamang diskarte ng mga local pugs sa ipinaiiral na bagong 10-point must scoring system.
Sa Biyernes gagawin ang finals ng lahat ng dibisÂyong pinaglalabanan at bukod kay Cantancio, ang mga lady boxers na sina Josie Gabuco at Nesthy Petecio ang mga magtaÂtangka pang bigyan ng ginto ang Pambansang delegasyon.
Si Gabuco na world champion sa light flyweight division pero lumalaban ngayon sa flyweight ay makakasukatan ang Chinese bet na si Xu Shiqi.
Si Petecio ay babanggain si Alexis Pritchard ng New Zealand sa finals sa lightweight division.
Mas matangkad ng anim na pulgada si PritÂchard kay Petecio pero tiwala ang Pinay pug sa kanyang kakayahan na hiyain ang katunggali.