MIAMI -- Nagposte si LeBron James ng game-high 37 points at 12 rebounds, habang nagdagdag si Dwyane Wade ng 23 points para igiya ang Miami Heat sa kanilang ikalawang sunod na National Basketball Association title mula sa 95-88 panalo kontra sa San Antonio Spurs sa Game 7 ng NBA Finals.
“To be able to come on to our floor and do it, it’s the ultimate,†sabi ni James sa isang on-court interview.
“I can’t worry about what everybody says about me. I am LeBron James from Akron, Ohio, from the inner city; I’m not even supposed to be here. I’m blessed,†dagdag pa nito.
Nahirang si James, nagÂlista ng 12-of-23 fieldgoals shooting kasama ang 5-of-10 sa three-point line, bilang Finals Most Valuable Player.
Ito ang ikatlong NBA crown ng Heat.
Tiniyak ni James, ang four-times league MVP, ang kanilang panalo nang tumipa ng isang jump shot sa huling 27.9 segundo kontra sa Spurs.
“It’s no fun to lose, but we lost to a better team,†wika ni San Antonio head coach Gregg Popovich.
Nagtala naman si Tim Duncan ng 24 points at 12 rebounds para sa Spurs, nag-ambag si Kawhi LeoÂnard ng 19 points.
Nagsalpak ng dalawang tres si Shane Battier para ibigay sa Miami ang 18-16 abante sa pagsasara ng first period.
Kumonekta pa si Battier ng isang tres kasunod ang basket ni Wade para sa isang six-point lead ng Heat sa 7:14 sa fourth quarter bago nakalapit muli ang San Antonio sa 88-90 nang magsalpak si Leonard ng isang three-pointer sa huling dalawang minuto ng laro.
Nagkaroon ng tsansa ang Spurs na makatabla ngunit tumalbog ang dalawang tirada ni Duncan laban kay Battier kasunod ang foul kay Mario ChalÂmers.
Matapos imintis ni ChalÂmers ang dalawang free throws, tumipa ng isang jump shot si James.
Naagaw niya ang paÂsa ni Manu Ginobili na nagÂreÂsulta sa kanyang dalawang free throws.