Adamson, SMBeermen panauhin sa PSA forum ngayon

MANILA, Philippines - Ang mga opisyales ng UAAP Season 76 host Adamson at bagong Asean Bas­ketball League (ABL) champion na San Miguel Beer ang magiging pana­uhin sa special session ng PSA Forum sa Shakey’s Ma­late.

Makakasama ni Adam­son athletic director at UAAP secretary Malou Isip si Falcons coach Leo Austria sa kanilang pagtalakay sa pagbubukas ng UAAP season sa Hunyo 29.

Ilalahad naman ng Beer­­men ang kanilang mga plano matapos pag­harian ang nakaraang ABL Fi­nals kontra sa dating kam­peong Indonesia Warriors na kanilang winalis sa ser­ye.

Ang pang alas-10:30 ng umagang sesyon ay isi­nasaere sa DZSR Sports.

Show comments