MANILA, Philippines - Inangkin ng Smart UltiÂmate, ang friesbee team ng Smart Communications na nabuo noong Abril, ang titulo ng Greenfield City Ultimate Invitational-Division D na idinaos sa Sta. Rosa, Laguna.
Bukod sa pagwawagi sa pito pang grupo sa kaÂnilang dibisyon, hinirang din ang Smart contingent bilang Most Spirited Team Award dahil sa pagpapaÂkita ng patas na paglalaro, sportsmanship at respeto sa kabuuan ng torneo.
Tinanggap naman ni Smart systems administration supervisor Archilles Mana ang Callahan Award para sa kanyang defense play.
Ang Smart Ultimate ang pinakabagong idinagdag sa 17 employee clubs na kinabibilangan ng Smart Triathlon Club, the Catholic group called Serve, Photography Club, Read-to-be-Smart, Smart Street Dance Crew, Smart Moms Club at Smart Collecti-Club.
Ang mga empleyado ay hinihimok na sumali sa nasabing mga clubs bilang bahagi ng adbokasya ng Smart na tulungan ang mga Pinoy “Live More.â€
Kamakailan ay kinilala ang Smart bilang finalist ng prestihiyosong Asia Communication Awards sa ilalim ng Best Place to Work category.