SAN ANTONIO -- Isang gabing hindi nakatulog si San Antonio Spurs guard Tony Parker kaugnay sa kanyang natamong hamstring injury sa Game 3.
Ngunit nang malaman na hindi gaanong maÂlala ang kanyang injury ay nabuhayan ng loob si ParÂker at umasang makakapaglaro sa Game 4 ng NBA Finals.
“The good news is it’s not a tear, it’s not a defect,†sabi ni Parker. “Now I just have to see how I’m going to feel (Thursday).â€
Inilista ng Spurs si ParÂker na may isang grade 1 right hamstring strain at ikinunsidera ang kanyang kondisyon na day-to-day.
Natamo ni Parker ang nasabing hamstring injury sa second half sa 113-77 panalo ng Spurs sa Heat sa Game 3 na nagbigay sa kanila ng 2-1 lead sa serye.
Nagpoposte si Parker ng mga averages na 13.3 points at 6.3 assists sa unang tatlong laro sa NBA Finals.
Kumolekta siya ng 6 points at 8 assists sa loob ng 27 minuto sa Game 3 bago siya nagkaroon ng injury at tuluyan nang ipinahinga sa fourth quarter kung saan iniwanan na ng San Antonio ang Miami.
Kung hindi maglalaro si Parker sa Game 4 ay magkakaroon siya ng apat na araw na pahinga bago ang Game 5.
Sinabi ni Parker na si Spurs coach Gregg Popovich ang magdedesisyon kung gagamitin siya sa Game 4.
“Coach Pop always prefers the rest, to avoid injury,†wika ni Parker. “F it was the regular season I would definitely have rest. I would not play. And same thing here, it’s an injury, and so we’ll seeâ€
“Obviously it’s The Finals, you know. I know Pop is always going to prefer we take no risk,†dagdag pa nito.
Inaasahang gagamitin ng Spurs bilang kapalit ni Parker sa starting five si Cory Joseph, naglista ng mga averages na 7.2 points at 3.1 assists sa siyam na laro bilang starter ngayong season.
“I just try to look at the game the same no matter how much playing time I get, whatever it is†sabi ni Joseph.“I just try to go out there and help my team and let the game take care of itself.â€
Magtutulungan naman sina Manu Ginobili at Gary Neal sa ball-handling duties, at ang No. 3 point guard ng Spurs ay si Patty Mills.