MANILA, Philippines - Hindi malayong maisama na si Denver Cuello sa hanay bilang world boxing champion ng bansa.
Sa Hunyo 28 ay aakyat ng ring si Cuello para labaÂnan si WBC minimumweight champion Xiong Zhao Zong ng China na gagawin sa World Trade Center sa Dubai.
Tatlong taon na naghintay si Cuello para mabigyan ng title shot at puspusan ang ginagawa niyang pagsasanay para matiyak na nasa pinakamagandang kondisyon ang pangangatawan para sa laban.
“Xiong is an easy target because he hardly moves. He just stands in front of you,†wika ng manager ni Cuello na si Ajoe Jaro.
Mas matangkad si CuelÂlo kay Xiong ng tatlong pulgada at isa ito sa bentaheng nakikita rin ni Jaro para manalo ang alagang boxer.
May 33 panalo sa 43 laban, kasama ang 21 KO si Cuello at mas may karanasan siya sa Chinese world champion na mayroong 20 panalo sa 25 laban kasama ang 11 KOs.
Papasok si Cuello bitbit ang 12 sunod na panalo at huling tinalo niya ay si Takashi Kunishige ng Japan noong Abril 7 sa Osaka sa pamamagitan ng majority decision.
Unang title defense naman ito ng 30-anyos na si Xiong matapos talunin si Javier Martinez Resendiz ng Mexico noong Nobyembre 24, 2012.
Sa Kunming, China ito ginawa at nanalo si Xiong sa pamamagitan ng unanimous decision.
Dahil nakikita ang maÂgandang kondisyon ng alaga, tiwala si Jaro na maÂnanalo si Cuello sa pamamagitan ng knockout.
“Once Denver hits Xiong, it’s game over. I think Denver will finish the fight inside six rounds,†tiwalang pahayag ni Jaro.
Sa ngayon ay nasa 113 ang timbang ni Cuello para sa 108-pound division, pero wala umanong problema ito dahil sa ganda ng kondisyon ng 26-anyos tubong Cabatuan, Iloilo pero ngayon ay naninirahan na sa Binangonan, Rizal.