MANILA, Philippines - Winakasan ng Blackwater Sports ang dinastiya ng NLEX Road Warriors nang sungkitin ang PBA D-League Foundation Cup title sa pamamagitan ng 80-74 panalo kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang mga inaasahang manlalaro na sina Robbie Celiz, Allan Mangahas, Justin Chua, Kevin Ferrer at Narciso Llagas ay gumana nang husto lalo na sa huling yugto para makumpleto ang pagbangon ng Elite mula sa 18-puntos pagkakalubog, 40-58, sa kaagahan ng ikatlÂong yugto.
“Masarap ang feeling,†wika ni Isaac. “Finally, we have proven that any team can achieve this. Just believe in your players, imply discipline and believe in the system.â€
Matapos paiskorin ng 30 sa ikalawang yugto, hinigpitan ng Elite ang depensa upang bigyan lamang ng 10 puntos ang Road Warriors. Isang 20-4 palitan ang ginawa ng Elite matapos itala ng NLEX ang malaking bentahe para makadikit sa dalawang puntos, 62-60, papasok sa huling yugto.
Dalawang free throws ni Garvo Lanete ang nagbukas sa aksyon sa huling sampung minuto pero nagbagsak si Chua ng walo sa 9-0 run upang hawakan ng Elite ang 69-64 bentahe.
Naitabla pa ng NLEX ang iskor sa 72-all pero gumanti sina Mangahas at Celiz ng 5-2 palitan para sa 77-74 kalamangan sa huling 20.7 segundo.
Natapos ang laban ng NLEX nang sumablay ang sana’y panablang tres ni Ronald Pascual sa huling 1.2 segundo.
Si Celiz ay mayroong 20 puntos habang 17 ang ibinigay ni Chua. May solidong 13 puntos, 11 rebounds at 5 assists si Mangahas habang 12 at 11 ang ibinigay nina Ferrer at llagas.
May 11 rebounds pa si Llagas para sa ikalawang sunod na laro ay nanalo ang Blackwater sa rebounding, 50-49.
May 14 puntos, 4 rebounds at 5 assists si Nico Salva habang 12 at 11 ang ibinigay nina Lanete at Greg Slaughter.
Ngunit patuloy na masama ang shooting ng ibang shooters sa pangunguna ng beteranong si RR Grcia na may 3-of-12 shooting habang si Pascual ay sablay sa lahat ng pitong attempts, lima rito ay sa 3-point line.