Gilas wagi sa Klaipedo Neptunas

MANILA, Philippines - Nagkaroon ng magandang panimula ang Gilas Pilipinas sa kanilang tune-up games sa Lithuania nang talunin ang pro team na Klaipedos Neptunas, 81-76, kahapon sa Svyturio Arena sa Klaipeda, Lithuania.

Wala namang naibigay na detalya si Gilas coach Chot Reyes dahil ayaw niyang masilip ng mga kalaban ang kanilang ginagawa sa pamamagitan ng pagdetalye sa stats ng laro.

Tiniyak naman niyang may mga pagbabagong makikita sa Gilas matapos ang kanilang dalawang linggong pagsasanay sa nasabing bansa.

Anim na tune-up ga­mes ang gagawin ng Gilas laban sa mga mabibigat na Lithuanian teams at sa under-20 national team at sunod nilang kalaro ay ang Birstono Jazz Diremta na ginawa kagabi.

 

Show comments