PARIS--Nalampasan ni Novak Djokovic ang kaÂpighatian, habang ipinagdiwang ni Rafael Nadal ang kanyang kaarawan sa center court crowd sa quarterfinals ng French Open.
Naglaro dalawang araw matapos ang pagkamatay ng kanyang childhood coach, tinalo ng top-ranked na si Djokovic si Philipp Kohlschreiber ng Germany, 4-6, 6-3, 6-4, 6-4.
Ibinigay ni Djokovic ang panalo kay Jelena GenÂcic, ang kanyang childhood coach na namatay sa Belgrade sa edad na 76-anyos.
Anim na taon pa lamang si Djokovic ng turuan siya ni Gencic na tinatawag niyang ‘’second mother.’’
At ang kanyang paghahari sa French Open ang magiging paraan niya para parangalan si Gencic.
Lalabanan niya sa quarterfinals si 12th-seeded Tommy Haas ng Germany.
Nagtala naman ang seven-time French Open champion na si Nadal ng 6-4, 6-1, 6-3 panalo kontra kay Kei Nishikori kasunod ang pagdiriwang ng kanyang ika-27 kaarawan.
Makakatapat niya si No. 9 Stanislas Wawrinka.