Nadal, Diokovic umusad sa French Open

PARIS--Patuloy na hinahanap ni seven-time champion Rafael Nadal ang kanyang tunay na porma sa idinadaos na French Open.

Nangibabaw pa rin ang nagdedepensang kampeon kay 27th-seeded Fabio Fognini ng Italy, 7-6 (5), 6-4, 6-4, ngunit aminado si Nadal na kailangan niyang higitan ang ipinapakita kung nais palawigin ang pagdodomina sa Roland Garros event.

Ang tinalo niya noong nakaraang taon na si Novak Diokovic ay umabante rin sa susunod na round sa bisa ng 6-2, 6-2, 6-3, panalo laban sa No. 26 Grigor Dimitrov.

Katunggali ni Nadal si No. 13 Kei Nishikori habang si Diokovic ay haharap kay No. 16 Philipp Kohlschreiber.

Si Nishokori ang kauna-unahang Japanese netter na nasa fourth round ng French Open sa 75 taon ng torneo.

Show comments