MANILA, Philippines -Umalis na kahapon ang Smart Gilas Pilipinas patuÂngong Lithuania para simulan ang dalawang buwang paghahanda para sa FIBA Asia Men’s Championship na gagawin sa Mall of Asia sa Pasay City mula Agosto 1 hanggang 11.
Umabot lamang sa 13 manlalaro ang bitbit ni coach Chot Reyes dahil hindi nakasama ang mga Alaska players na sina Sonny Thoss at Calvin Abueva dahil sasama sila sa bakasyon sa US mula Hulyo 15 hanggang 22 bilang pabuya matapos magkampeon ang Aces sa Commissioner’s Cup.
Wala rin sina Jared Dillinger, Kelly Williams at Ryan Reyes dahil sa mga injuries habang ang Cadet pool member na si Greg Slaughter ay hindi rin makakabiyahe dahil nasa championship ang NLEX sa PBA D-League.
Si Beau Belga ng Rain Or Shine at huling kinuha kasama ni Abueva, ay lumipad kasama ng Gilas.
“We are still upbeat of our chances in the FIBA Asia because we know the crowd will be behind us. But nothing beats a team stacked with the best available players, players who are willing to give their best for the country,†wika ni Reyes.
Hanap ng Pambansang koponan na makapa-sok sa World Championship sa Spain sa susunod na taon at kailangan nilang malagay sa unang tatlong puwesto matapos ang kompetisyon.