sa Indiana-Houston pre-season game mabibili na sa June 16

MANILA, Philippines - Bagamat isang pre-season game lamang, kailangan pa ring magbayad ang isang basketball fan ng P32,300 kung gusto niyang mapanood ng ha­rap-harapan ang mga kagaya nina Paul George, Roy Hibbert at David West ng Indiana Pacers at Jeremy Lin at James Harden ng Houston Rockets.

Inihayag kahapon ng SM at NBA Philippines na maaari nang ma­bili ang tiket para sa pre-season game ng Pacers at Rockets, nakatakda sa Oktubre 10 sa MOA Arena sa Pasay City, simula sa Hunyo 16.

Ang Premium A seats ay nagkakahalaga ng P32,300 kasunod ang P27,000 para sa Premium B, P8,400 para sa Section C, P4,200 para sa Section D at P550 para sa Section E.

Kasama sa babayaran sa Premium A seats ang mga limited edition na commemorative NBA merchandise, pagkain at front court view, ayon kay SM Tickets marketing and sponsorship head Nicole Deato.

Ito ang kauna-unahang NBA Glo­bal Game sa Pilipinas at inaasa­hang tatangkilin ng mga basketball fans.

Sinabi naman ni NBA Philippines Country mana­ger Carlo Singson na kasama ng Pacers sa pagbisita sa bansa sa Oktubre si team owner Herb Simon.

Bukod kina Lin at Harden, inaasahang ipaparada rin ng Houston si Chandler Parsons na sinasabing nakakausap ni actress KC Concepcion sa Twitter.

 

Show comments