MANILA, Philippines - Isang 40-anyos na miÂyembro ng national athleÂtÂics team ang umaasang makakapaglaro sa kanyang huling Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre, habang pinagharian naman ng isang Olympiad veÂteran ang men’s open rapid chess.
Sa kanyang inihagis na 66.15 meter, nakuha ni Danilo Fresnido ng Laguna ang gintong medalya sa men’s javelin throw sa athletics event ng 2013 PSC-POC National Games kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
“Ito na ang maaaring last SEA Games ko kung sakaling mapasama sa National team sa Myanmar,†sabi ng 40-anyos na si Fresnido, kumuha ng gold medal sa mga nakaraang SEA Games sa Vietnam, Malaysia at Laos.
Tinalo ni Fresnido para sa ginto sa 2013 National Games sina Kenny Gonzales (62.10m) ng Run for Change team at Melvin Calano (60.87m) ng Jose Rizal University.
Ang iba pang kumuha ng ginto sa kani-kanilang events ay sina Lambert Padua (men’s 10,000m walk) ng University of the Philippines at Eddie Edward, Jr. (men’s 100m dash) ng Team Sabah.
Sa chess sa Polytechnic University of the Philippines, sinikwat ni Olympiad veteran Grandmaster Joey Antonio ang ginto base sa pagkakaroon niya ng best tiebreak score na 34 kumÂpara sa 30.5 ni IM Ronald Dableo at 28 ni Jan Emmanuel Garcia sa men’s open rapid chess event.
Nagtabla sina Antonio, Dableo at Garcia sa 6.0 points, ngunit lumamang si Antonio sa tiebreak score.
Kinuha naman ni Jan Jodilyn Fronda ang ginto sa women’s rapid event mula sa kanyang 6.0 points kasunod sina Bernadette Galas (5.5 points) at Loreshyl Cuizon (5.5 points), para sa pilak at tansong medalya, ayon sa pagkakasunod.
Sa cycling event sa Tarlac City, winalis nina Rustom Lim, Ronald Oranza at Denver Casayuran, mga miyembro ng LBC-MVP Sports Foundation’s National youth team, ang mga medalyang nakalatag sa 151.4-kilometer road race para sa elite cyclists.
Umarangkada ang 20-anyos na si Lim, ang bronze medalist sa 2013 Asian Juniors Championship sa India, sa huling two-kilometer stretch para kunin ang gold mula sa kanyang bilis na tatlong oras, 59 minuto at 48.2 segundo.