PBA Commissioner’s Cup Finals tumabo sa takilya

MANILA, Philippines - Umakyat ang viewership at gate attendance ra­tings ng nakaraang Cebuana Lhuillier PBA Commissioner’s Cup Finals.

Ang Game 3 ng PBA Finals ay nagposte ng 4 million viewers sa TV5 sa fourth quarter. Kinakatawan nito ang 31.2% audience share para sa kapana-pa­nabik na pagtatapos kung saan winalis ng Alaska Aces ang Barangay Ginebra  San Miguel sa 3-0.

Ang 4 milyong vie­wers ang dumuplika sa nakaraang Commissioner’s Cup Game 7 Finals na nagpa­kita sa tagumpay ng B-Meg Llamados (ngayon ay San Mig Coffee Mixers) laban sa Talk ‘N Text Tropang Texters.

Ang live broadcast ng Game 1 ay nagposte ng average na 2.5 million vie­wers o audience share na 18.4%, ayon sa Nielsen Media Research NUTAM data.

Umabot din ito sa tatlong milyong viewers o 26% audience share para sa TV5 sa primetime block. 

Sa venue, halos 20,000 (19,768) fans ang nagtungo sa SMART Araneta Coliseum para sa Game 3 noong Mayo 15.

Sa Game 2, tumaas ang viewership sa average na 2.9 million viewers o 21% audience share base sa NUTAM data sa TV5.

Umabot ito sa 3.3 million viewers o 25% audience share noong Biyer­nes.

Pumuwesto ito sa pang-siyam sa Top 15 Eve­ning shows nationwide.

Napuno rin ang SM Mall of Asia Arena ng 17,856 fans sa nasabing petsa.

 Ang Game 3 ay nag-lista naman ng bagong all-time record sa attendance para sa isang basketball game sa SMART Araneta Coliseum sa bilang na 23,436 fans.

Binasag nito ang da-ting record na 23,108 na naitala noong Mayo 8 sa semis double-header na nagtampok sa Alaska vs. San Mig Coffee at Brgy. Ginebra San Miguel vs. Talk N’ Text.

Show comments