Paragua, Vietnamese GM draw

MANILA, Philippines - Nakihati sa puntos si Mark Paragua kay top seed Vietnamese Grandmaster Le Quang Liem matapos mauwi sa draw ang kanilang laro at nakisalo sa unang puwesto kay second pick Chinese GM Li Chao matapos ang 6 rounds ng $100,000 Asian Continental Chess Championships sa Midas Hotel and Casino sa Pasay.

Nakipaglaban ang 29-anyos na si Paragua kay Le, ang highest rated player mula sa kanyang ELO rating na 2714, sa nine-round Swiss System tournament sa isang Sveshnikov variation ng Sicilian.

Matapos ang palitan ng pawn at ilang piyesa, naisuko ni Paragua kay Le ang isang pawn kasunod ang kanilang draw matapos ang 29th move.

Kapwa may 5.0 points sina Li, tinalo si GM Richard Bitoon sa 46 moves ng Bogo-Indian Defense, at Paragua para magsalo sa top spot.

Makakatapat ni Li sa top board ang 26-anyos na si Sadorra na nakipag-draw kay GM John Paul Gomez sa 29 moves ng isang Gruenfeld duel.

 

Show comments