MANILA, Philippines - Humakot ang Pilipinas ng dalawang gold medals at isang silver para tumapos na ikatlo sa likod ng Vietnam (5-4-1) at Indonesia (3-4-3 bronzes) sa Southeast Asian Rowing Championships sa Selangor, Malaysia.
Naghari si reigning SEAG champion Nestor Cordova sa kanyang paboritong men’s single sculls, samantalang nagwagi naman sina SEAG bronze medalists Edgar Ilas at Benjie Tolentino sa lightweight men’s double sculls.
Nagdagdag naman ng silver medal sina Roque Abala at Alvin Amposta sa lightweight men’s pair.
Nagtala si Cordova ng bilis na 7:27.24 para talunin sina Memo (7:33.11) ng Indonesia at Chaichana Thakum (7:37.49) ng Thailand.
Nagsumite naman sina Ilas at Tolentino ng oras na 6:48.88 laban kina Nguyen Van Theuy at Nguyen Van Linh (6:50.80) ng Vietnam at Zeal Anvel Habid at Rendi Syuhkeda (7:00.49) ng Indonesia.
Ipinoste naman nina Abala at Amposta ang tiyempong 7:12.66 na apat na segundo ang agwat kontra sa nanalong sina Eies at Thomas Hallatu (7:08.96)