MANILA, Philippines - Makikilatis ang husay ng tubong Baguio na si Crisanto Pitpitunge sa pagharap sa papasikat na si Michinori Tanaka ng Japan sa main event ng PXC-37 sa Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Itataya ng 26-anyos na si Pitpitunge ang hawak na bantamweight title na pinanalunan noong nakaraang taon kay Justin Cruz laban kay Tanaka na hindi pa natatalo sa pitong laban.
Walong laban ang papaloob sa PXC-37 na ikalawang promotion ng Pacific Xtreme Combat sa taon.
“We are excited for this Saturday because we have lined by good fights highlighted by the title fight between Pitpitunge and Tanaka. Both fighters are arriving today in time for their showdown,†wika ni Ed Calvo, ang PXC CEO at Promoter nang dumalo sa PSA Forum kahapon.
Ikawalong promotion na rin ito ng PXC sa bansa at sa taong ito ay balak pa nilang magkaroon ng dalawang fights na mangyayari sa Agosto at Nobyembre.
Kasama sa mapapanood ay ang kauna-unahang labanan sa featherweight sa pagitan nina Jang Yong Kim at Nate Thorell at Johnny Pecyna at Takumi Nakayama.
Ang iba pang mapapanood ay labanan nina Troy Bantiag at Treven Jones sa bantamweight; Reno Remigio-Hong Seung Chan at Wesley Machado at Syafiq Abdul Samad sa lightweight; Jerome Wanawan at Ernesto Montilla Jr. at Jerome Wanawan sa flyweight at Arex Montalban at Rolando Dy sa featherweight.