Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. La Salle-Dasma
vs Arellano
4 p.m. Perpetual Help
vs UST
MANILA, Philippines - Iiwas ang UST sa anuÂmang kumplikasyon sa pagÂpasok sa semifinals sa Shakey’s V-League SeaÂson 10 First ConferenÂce sa pag-asinta ng panalo sa Perpetual Help sa pagtatapos ngayon ng quarterfinals sa The Arena sa San Juan City.
Sa ganap na alas-4 ng hapon magtutuos ang Tigresses at Lady Altas at kailangan ng una na maÂnalo para kunin ang ikatÂlong sunod na panalo sa Group 2 at makasama ng Adamson (2-1) sa Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s.
Sa kabilang banda ang Lady Altas ay makikipagpukpukan sa katunggali dahil ang mahahagip na panalo ay magsisilbing tiket nila upang sila ang umusad sa semifinals sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
Kung malusutan ng PerÂpetual at UST, magkaÂkaroon ng three-way tie sa 2-1 ang dalawang kopoÂnan ay ang pahingang Adamson. Sa ganitong sitÂwasyon, ang Lady Altas ang aangat sa unang puwesto sa quotient system at aabante sa susunod na round habang maiiwan ang Tigresses at Lady Falcons na magtagisan para sa huling puwesto sa Linggo.
Ang National University na hindi pa natatalo sa anim na laro at ang nagÂdedepensang kampeon na Ateneo ang mga nakaÂpasok na sa semis sa Group A.
Galing ang Lady Altas sa 25-19, 25-27, 25-23, 25-22, panalo sa San Sebastian sa huling laban at sasandal sila sa tikas nina Sandra delos Santos, Honey Rose Tubino, Norie Diaz at April Sartin para mailusot ang panalo.
Ang pride ng isang six-time champion sa liga ang siyang huhugutan ng dagdag na lakas ng UST para palakasin ang pakay na ikapitong kampeonato.
Sina Aiza Maizo, Maika Ortiz, Carmela Tunay, Pamela Lastimosa at Rhea Dimaculangan ang mga magtutulong-tulong para maigupo ang inaasahang malakas na hamon ng Lady Altas.