MANILA, Philippines - Nalusutan nina Toby Gadi at Bianca Carlos ang mga panonorpresang hatid ng mga hindi gaanong pinaborang manlalaro para makapasok sa semifinals sa premier Open singles event sa MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PbaRS) sa San Fernando, Pampanga kahapon.
Kinailangang itaas ni Gadi ang antas ng paglaÂlaro sa ikalawa at ikatlong sets para pawiin ang pagÂÂkatalo sa unang set tuÂÂngo sa 20-22, 21-13, 21-10, panalo laban kay Rjay Ormilla para umusad sa quarterfinals na nilaro noong Sabado sa Excel Badminton Center.
Kahapon ay hinarap niya si 12th seed Kevin Cudiamat at pinadapa ito ng manlalaro mula Golden Shuttle Foundation, 21-19, 21-14, upang umabante sa Final Four laban sa kasamahan sa koponan na si Justin Natividad.
Tinalo ni Natividad si third seed Peter Magnaye, 19-21, 27-25, 21-9, sa Last 16 at Roslee Pedrosa, 21-18, 19-21, 21-16 sa quarterfinals.
Sa kabilang banda, si Carlos ng GSF ay pinagpahinga si Danica Bolos, 21-9, 21-10, para itakda ang pagkikita nila ng nagbabalik na si Nikki Servando ng Escoses Training Camp na tinalo si Dia Magno, 21-5, 21-18, sa palarong suportado ng MVP Sports Foundation.
Namuro rin si Carlos na makadalawang ginto sa patimpalak na may ayuda ng Victor, nang panalo kay Annie Jung, 21-1, 21-4, para umabante sa U-19 quarterfinals laban kay Marina Caculitan na pinagpahinga si Airish Macalino, 21-9, 21-17.
Si Joshua Monterubio ang nanguna sa mga umusad sa boys’ U-19 nang manaig kay Andrew Pineda, 21-19, 21-18, sa palarong may basbas ng Philippine Badminton Association na pinamumunuan ni Vice President Jejomar Binay bilang pangulo, buÂsinessman/sportsman Manny V. Pangilinan bilang chairman at Rep. Albee Benitez bilang sec-gen.
Ang iba pang sumusuÂporta sa torneo ay ang Gatorade, Vineza, Sincere Contruction at Krav Maga Philippines habang ang TV5, The Philippine Star at Badminton Extreme Philippines Magazine ang mga media partners.