6 PLDT-ABAP boxers susuntok sa Russia slugfest

MANILA, Philippines - Pitong buwan bago ang 27th Myanmar Southeast Asian Games, nakatakdang sumabak ang PLDT-ABAP boxing team sa Konstantin Korotkov Memorial International Boxing tournament sa Mayo 14-20 sa Khabarovsk, Russia.

Ang mga sasabak sa aksyon ay sina Rogen Ladon (49kgs), Ian Clark Baustista (52kgs), Mario Fernandez (56kgs), Junel Cantancio (60kgs), World Youth champion Eumir Felix Marcial (64kgs) at Wilfredo Lopez (69kgs).

Sila ay sasamahan nina national coaches Nolito Velasco at Elmer Pamisa at ABAP executive director Ed  Picson.

“Looking ahead to the Myanmar Southeast Asian Games, this tournament is an integral part of our PLDT-ABAP boxers’ overall preparation for that competition,” wika ni ABAP president Ricky Vargas ng Maynilad Water.

Kasalukuyang nasa Cebu ang anim na boxers kasama ang anim pa nilang kasamahan kung saan sila nagsasanay hanggang sa Mayo 9.

Ang anim ay sina London Olympian Mark Anthony Barriga, World Junior bronze medalist Jade Bornea, Nico Magliquian, Dennis Galvan, Asian Games gold medalist Rey Saludar at James Palicte.

“We’ve put together a more elaborate training program for our boxers,” ani pa ni Picson.

Ilan pang international tournaments ang nasa kalendaryo ng ABAP bago ang Myanmar SEA Games.

Show comments