4 na malalaking torneo ang lalahukan Wushu team magiging abala

MANILA, Philippines - Magiging abala ang na­tional wushu team sa taong ito dahil sa dami ng kompetisyon na kanilang sasalihan.

Sa pagbisita ni Wushu Federation of the Philippines (WFP) secretary-general Julian Camacho at Red Dumuk sa PSA Forum  sa Shakey’s Malate kahapon, binanggit ng una na hindi bababa sa apat na torneo ang lalahukan ng mga pambato ng bansa sa martial arts sports na ito na nagmula sa China.

Tampok rito ay ang 7th Asian Junior Wushu Championships na gagawin sa Pilipinas mula Agosto 8 hanggang 12, ang World Wushu Championships sa Kuala Lumpur, Malaysia mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 6, at South East Asian Games sa Myanmar mula Disyembre 11 hanggang 22.

Ang tinututukan sa nga­yon ng WFP ay ang ka­­una-unahang hosting ng Pilipinas ng Asian Junior Championships na tinata­yang lalahukan ng 30 bansa at magkakaroon ng humigit-kumulang na 600 atleta at opisyales.

Taong 1996 pa noong nag-host ang bansa ng ma­laking international wu­shu event na Asian Wu­shu Championships at kinilala ito bilang isa sa pinakamagandang palaro sa kapanahunang iyon.

Show comments