MANILA, Philippines - Limang batang lalaki mula sa Manila, isa buhat sa Pampanga, isa galing sa Davao at isa mula sa General Santos City ang naghari sa Jr. NBA Philippines 2013 na inihahandog ng Alaska.
Sina Marvin Sario, VinÂce Jansel Ferrer, SaÂmuel Abujihleh, Gian RoÂbert Mamuyac, Ricci Paolo RiÂvero, Christian Tyler Tio, Miguel Alejandro Fortuna ng Manila, Pawandeep Singh ng Pampanga, Mahloney Tarranza ng Davao at Anthony Sistoza ng GeneÂral Santos City ang bagong grupo ng Jr. NBA All Stars na bibigyan ng NBA experience at pagkakataong makalaro ang kanilang Jr. NBA team abroad.
Sina Fortuna at Ferrer ay mga nakababatang kaÂpatid nina collegiate players Jeric Fortuna at Kevin Ferrer ng University of Santo Tomas.
Ang mga batang may edad na 13 hanggang 14-anyos ay ang mga top achievers sa three-day boot camp na nagÂtampok sa 50 players mula sa mga Regional Selection Camps na idinaos sa Dagupan, Davao, Lucena, Metro Manila at sa Alaska Power Camp noong Marso at Abril.
Ang National Training Camp--ang pinakatampok sa Jr. NBA Program na sinimulan ng mga coaÂches clinics at school clinics sa apat na siyudad - ay pinamahalaan nina NBA Legend Muggsy Bogues, Jr. NBA Head Coach at Senior Director for Basketball Operations of NBA Asia Sefu Bernard, PBA Legend Jojo Lastimosa at coaches mula sa ilang lungsod na kandidato para sa Jr. NBA Coach of the Year.
Si coach Raymon Mercader ng Quezon, Bukidnon ang napiling 2013 Jr. NBA Coach of the Year.
Naging highlight ngaÂyong taong National TraiÂning Camp ang Jr. NBA Alumni All Star Exhibition Game sa pagitan ng Team Muggsy at Team Jolas na babanderahan ng Jr. NBA Alumni mula 2007-2012.
Nanalo ang Team Muggsy, 52-46 sa likod ng matingkad na performance ni 2007 alumnus Aljon Mariano--unang Jr. NBA MVP, na naglaro para sa UST GrowÂling Tigers sa UAAP.