DUMAGUETE, Philippines --Inanunsyo ni Regine Reynoso ang kanyang pagbabalik sa Palarong Pambansa sa pagsungkit ng tatlong individual gold at nakasama sa team gold ng NCR sa gymnastics na pinaglalabanan sa Negros Oriental State University sa Dumaguete City.
Wala na ang mga foot at back injuries, buong giliw na ipinakita ni Reynoso ang kanyang husay sa laÂraÂngan ng all-around (38.375), horse vault (12.513) at floor exercise (13.05) para sungkitin ang mga gintong medalya.
Ang individual event na nakalusot sa kanya ay sa balance beam na kung saan si Reynoso ay pumangatlo lamang pero ang kanyang naipakita ay nakatulong sa NCR na makopo ang secondary girls Women’s Artistic Gymnastics team championship sa 108.725 puntos.
Ang Cotabato Region sa pamumuno ni Precious Valerie Pama na nanalo ng ginto sa balance beam ang pumangalawa sa 97.175 habang ang bronze sa team ay naiuwi ng Northern Mindanao sa 87.2 puntos.
Sa apat na gintong napanalunan, lumabas si Reynoso na nakilala sa Puerto Princesa Palaro noong 2008 nang manalo ng apat na ginto at isang pilak ngunit hindi sumali noong 2010 at 2011 edisÂyon, bilang kauna-unahang quadruple gold medalists ng Palaro at ng NCR.
Ang apo ng batikang television host na si German Moreno na si Luis Gabriel Moreno ay nanalo ng ginto sa secondary boys 40-m sa archery habang ang iba pang kuminang sa Big City ay ang secondary boys at girls team sa badminton, at sa secondary at elementary girls team sa lawn tennis.
Bunga nito, ang NCR ang nangunguna sa meÂdal tally na ipinalabas hanggang ika-4 ng hapon kahapon sa 33 ginto, 20 pilak at 11 bronze medals.