MANILA, Philippines - Haharap sina Juan Manuel Marquez at Manny Pacquiao sa magkaibang kalaban imbes na magtagpo para sa kanilang pang limang laban na pinakahihintay ng mga boxing fans.
Sinasabing plantsado na ang paghahamon ni MarÂquez kay Timothy Bradley para sa suot na WBO welterweight title ng American boxer sa Setyembre 14 o ang petsa ng Mexican Independence Day.
At base sa mga reports, gagawin ang naturang laban sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas.
Iniatras naman ni Pacquiao ang kanyang unang laÂban ngayong taon sa Oktubre mula sa naunang Setyembre.
Sinasabing magaganap ito sa Oktubre 13 sa Macau.
At wala pang nakakaalam kung sino ang kanyang haharapin sa naturang petsa.
Ngunit sinuman kina Bradley, Brandon Rios at Mike Alvarado ang sinasabing sasagupain ni Pacquiao.
Gusto ni Pacquiao na labanan si Marquez, ngunit ang Mexican counterpuncher na magiging 40-anyos sa Agosto 23 ay walang balak na muling harapin ang Filipino fighter.
Gusto umano ni Marquez na makatanggap ng $20 million para sa fifth fight kay Pacquiao.
Mahirap ring hulaan kung magkano ang makukuha ni Marquez sa paghahamon kay Bradley.
Tumanggap si Marquez ng guaranteed $6 million sa kanilang pang apat na laban ni Pacquiao noong Disyembre.