Masikip ang butas na kailangang daanan ng BaÂrangay Ginebra San Miguel upang makarating sa semiÂfinal round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup.
Ito’y bunga ng pangyayaring pumampito sila sa pagtatapos ng 14-game elimination round. Nagtabla-tabla ang Gin Kings, Meralco Bolts at Talk ‘N Text sa record na 7-7. Nang gamitin ang quotient system ay nadehado ang Gin Kings dahil sila ang may pinakaÂmaÂbabang quotient.
Hayun at katunggali nila ang second-seed Rain or Shine na may twice-to-beat advntage sa quarterfinals. Maghaharap mamaya ang Gin Kings at Elasto PainÂters sa ganap na 8-pm sa Mall of Asia Arena.
Puwedeng matapos ang kampanya ng Gin Kings mamaya, puwedeng makapuwersa sila ng sudden-death match sa Lunes.
Sa totoo lang, marami ang nanghihinayang sa pangyayaring hindi nagtuluy-tuloy ang winning streak ng Gin Kings na ngayon ay hawak ni coach Alfrancis Chua. Naka-anim na sunod na panalo ang Barangay Ginebra at animo’y unbeatable sila kahit hindi pa nila nakakasama ang reigning Most Valuable Player na si Mark Caguioa na nagtamo ng injury. Kasi nga’y tumaas ng sobra ang kanilang morale at kumpiyansa.
Pero pinatid ng nangungunang Alaska Milk ang kaÂnilang streak, 102-93 noong Abril 10.
Sa isipan ng mga fans ng Barangay Ginebra, puwede sanang magwagi ang kanilang paboritong koponan dahil sa napalis ng Gin Kings ang malaking kalamangan ng Aces at nakuha pa ang pangunguna sa third quarter. Pero tila napagod ang Gin Kings at lumaylay sa dulo.
Puwede pa sanang makaiwas sa ikapitong puwesto ang Barangay Ginebra dahil may isang game pa silang nalalabi kontra Talk ‘N Text noong Abril 13 sa Mall of Asia Arena.
At sa larong iyon, kahit paano’y may bentahe sila sa import dahil matagal na nilang kasama si Vernon Macklin samatalang baguhan si Jerome Jordan na dumating bilang kahalili ni Donnel Harvey. Pero natalo ulit ang Gin Kings, 100-96.
Marahil nga’y hirap na hirap na ang Gin Kings na punan ang pagkawala ni Caguioa na limang games na nilang hindi nakakasama. Napunan nila ito sa loob ng tatlong games kung saan nagwagi sila. Pero sa huÂling dalawang games kontra powerhosue teams ay hindi na nila nakaya.
Hindi natin alam kung puwede ng bumalik sa active duty si Caguioa mamaya.
Pero kung hindi pa’y kahit paano’y gumawa na ng paraan si Chua. Kinuha niya si Josh Urbiztondo buhat sa na-eliminate na Barako Bull at ipinamigay ang rookie na si Keith Jensen na hindi naman gaanong nagagamit.
Siguradong makakatulong si Urbiztondo lalo’t puntos at direksyon ang pag-uusapan.
Kung wala pa si Caguioa ay okay ang move na ito ng Gin Kings.
Ang problema dito’y kapag available na si Caguioa. Kasi sisikip ang backcourt ng Gin Kings. Si LA Tenorio pa rin kasi ang lead point guard nila. Nandoon pa rin sina Jayjay Helterbrand at Robert Labagala.
May mababangkong tiyak. Magkaganoon man, aba’y magandang upgrade para sa Gin Kings ang pagdating ni Urbiztondo.
Ang tanong lang ng karamihan ay kung siya ba taÂlaga ang kailangan ng Barangay Ginebra upang tuÂmingkad ang kanilang tsansang makarating sa semis o sa Finals?
Sa totoo lang, dominant big man ang kailangan ng Gin Kings. Pero masosolusyunan lang nila ang probleÂmang ito sa darating na draft.
Habang hinihintay iyon, obligadong gamitin na lang ni Chua ang mga armas na available sa kanya ngayon.