Bedans magpipilit bumangon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  JRU vs SBC 2:30 p.m.  SWU vs UE

4:15 p.m.  Ateneo vs SSC

MANILA, Philippines - Tatangkain ng NCAA champion San Beda na makabangon agad matapos matalo sa unang laro sa pagharap sa Jose Rizal University sa pagpapatuloy ng Filoil Flying V Hanes Premier Cup ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Dumapa ang Red Lions sa kamay ng Natio­nal University, 73-71, sa overtime ay inaasahang mapapalaban uli sa Heavy Bombers sa unang laro na magsisimula sa ganap na alas-12:45  ng tanghali.

Ang Southwestern University na natalo sa Ateneo sa unang laro, 77-72, ay makikipagtagisan sa UE dakong alas-2:30 ng hapon at hangad na pigilan ang paglagpak sa 0-2 karta.

Huling laro dakong alas-4:15 ay sa pagitan ng Eagles at San Sebastian na inaasahang magiging mahigpitan at tiyak na ikasisiya ng mga mahihilig sa basketball.

Show comments