Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
2 p.m. Fruitas vs EA Regens
4 p.m. Jumbo Plastic
vs Cebuana Lhuillier
MANILA, Philippines - Kumapit ang suwerte sa Blackwater Sports nang kunin ang 85-83 panalo sa Big Chill upang manatiling nasa liderato sa PBA D-League Foundation Cup na nagdaos ng laro kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Nawala ang 19-puntos kalamangan, 51-32, sa ikatlong yugto, sinakyan naman ng Elite ang dalawang krusyal na sablay nina Terrence Romeo at Isaac Holsteins sa huling 19 segundo para makuha ang ikaanim na panalo sa pitong laro.
“Ang mahalaga sa akin ay nanalo kami. Kahit ilan puntos, ang bottom line ay nanalo kami,†wika ni Elite coach Leo Isaac.
Pinamunuan ang koponan ng mga higanteng sina Justine Chua at Parri Llagas na tumapos taglay ang 17 at 16 puntos bukod sa 13 at 10 rebounds.
Bumaba ang Superchargers sa 3-4 karta at nasayang ang 24 at 20 puntos nina Romeo at Alex Nuyles.
Naiakyat ng NLEX Road Warriors ang pagpapanalo sa apat nang kalusin ang Cagayan Valley, 85-79, sa isa pang laro.
Ang dalawang koponan ang nagkita sa Finals sa Aspirants’ Cup na dinomina ng Road Warriors at ginamit ng koponan ang malakas na pagtatapos sa ikatlong yugto para angkinin ang 4-2 karta.