MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang mga ‘di gaanong may kakayahan sa buÂhay na mapanood ng live ang dating Houston Rockets center na si Yao Ming na naglalaro sa court.
Si Yao ay darating sa Pilipinas sa Mayo 4 para pangunahan ang pag-aÂaring Shanghai Sharks na sumabak sa dalawang exhibition games laban sa PBA All-Stars at Gilas national team.
Ang Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena sa Pasay City ang pagdarausan ng mga laro at tiniyak ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia na mumurahan lamang nila ang bentahan ng tickets para maraming Pinoy ang makapanood ng laban.
“Hindi pa kami naglalagay ng presyo sa mga tickets pero mumurahan lamang namin ito para mapasaya ang mga tao lalo na sa general admission,†wika ni Garcia.
Nakipag-usap na ang PSC na siyang nangunguna sa pag-oorganisa ng exhibition games na ito, sa PBA at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para plansahin ang ano pang mga problema na maÂaring kanilang harapin.
Sunod na pupulungin ang mga opisÂyales ng Big Dome at MOA Arena para sa presyo ng mga tickets.
“Noong nakaraang taon pa dapat giÂnawa ang proyektong ito pero hindi natuloy. Ngayon ay kumpirmado na at tuloy na ito at si Yao ay makakasama ng Sharks kaya’t dapat ay mabigyan ang lahat ng pagkakataon na mapanood ito,†dagdag ni Garcia.
Ang Chinese Embassy ay suportado rin sa proyekto na pagpapakita na patuloy na maayos ang samahan ng Pilipinas at Tsina lalo na kung palakasan ang pag-uusapan.
Bukod sa laro ay magkakaroon ng basketball clinic ang Sharks na isang koponan sa pro league na Chinese Basketball Association (CBA).