Nakakabilib na rin talaga ang Alaska Milk at si coach Luigi Trillo.
Ipinakita ng Aces sa lahat na kaya nilang mapanatili ang kanilang poise kahit na ano pa ang mangyari.
Ito’y nasaksihan ng lahat sa huling dalawang games ng Aces na kapwa nila ipinanalo upang makatiyak ng twice-to-beat advantage sa quarterfinal round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup.
Una’y sa laro nila laban sa Rain or Shine Elasto PainÂters. Solo liderato ang nakataya sa larong iyon at kung sino ang magwawagi ay magkakaroon ng magandang tsansa upang ibulsa ang No. 1 spot.
Aba’y sa larong iyon ay lumamang ng 22 puntos ang Elasto Painters sa third quarter at pakiwari ng lahat ay magtutuluy-tuloy na’t magwawagi.
Pero nakabuwelta ang Aces, naitabla ang score at nagwagi sa overtime, 89-84. Si Dondon Hontiveros ang siyang nagbida sa larong iyon at kinalauna’y pinarangalan bilang Accel-PBA press Corps Player of the Week.
Noong Miyerkules ay nakaharap naman ng Alaska Milk ang crowd-favorite Barangay Ginebra San Miguel.
Maganda ang naging arangkada ng Aces dahil sa tiyak na nasa panig pa nila ang momentum buhat sa panalo kontra Rain or Shine.
Maaga silang nagtala ng 14 puntos na bentahe kontra hilahod na Gin Kings. Hilahod kasi hindi pa rin kasama ng Barangay Ginebra ang reigning Most ValuaÂble Player na si Mark Caguioa na hindi nakapaglaro sa ikatlong sunod na game bunga ng injury.
Hindi rin kasama ng Gin Kings ang sentrong si Billy Mamaril na nagtamo ng kapansanan sa kanang kamay.
Sukat ba namang blangkuhin ng Gin Kings ang Aces sa umpisa ng third quarter upang palisin ang 55-41 kalamangan ng kalaban sa halftime at makalamang pa ng dalawang puntos.
E, sa halftime nga’y marami akong kaibigang tila naÂwaÂlan na ng loob at nagkulang na sa pananampalataya. Sinabi nilang tapos na ang laban pabor sa Alaska Milk.
Pero nabuhayan sila ng loob nang nakabawi ang Gin Kings. Sadya nga lang mahirap ang sitwasyon. Kulang sa tao nga, e. Kumpleto naman ang Alaska Milk. Matibay na rin ang karakter ng Aces.
Hindi narindi ang Alaska Milk sa arangkada ng Gin Kings. Hindi nawindang ang Aces sa malakas na sigaw ng mga fans ng Barangay Ginebra. Aba’y 15,133 paying fans ang pumuno sa Araneta Coliseum at napakalaking porsyento nun ang maka-Ginebra.
Kung mahihina ang Aces, malamang na tinanggap na lang nila ang rally ng Barangay Ginebra at hinayaan na lang idikta ng kalaban ang nalalabing minuto ng laro.
Pero hindi na nga ganoon ang Alaska Milk.
Ang tibay ng Aces. Ibang klase ang poise na kaniÂlang ipinakita. At sa dulo’y pinatahimik nila ang mga fans ng Barangay Ginebra nang sila’y magwagi, 102-93 upang matiyak ang pagiging No. 1 sa pagtatapos ng elims.
Magandang test of character para sa Alaska Milk ang huling dalawang games na iyon. Kagabi nama’y kalaban nila ang nangungulelat na Globalport at wala na silang pressure. Puwede na silang magpahinga at paghandaan ang susunod na round.
Ginawa kaya nila iyon?