FIBA-Asia hosting sa Agosto tuloy - Barrios

MANILA, Philippines - Tuloy ang hosting ng Pilipinas sa 2013 FIBA-Asia Championship sa Agosto.

Ito ang tiniyak ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios na isinantabi ang mga haka-haka na ipag­papaliban ang hosting mula  Agosto 1 hanggang 11 dahil sa kahilingan umano ng ibang bansa.

“The FIBA-Asia world qualifying tournament will proceed as scheduled,” wika ni Barrios na sinamahan ni Moying Martelino, deputy executive director Bernie Atienza at abugadong si Aga Francisco sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura.

“There really were request from Muslim countries to move the date of the tournament due to the observation of the traditional Ramadam. The SBP and the Mall of Asia Arena management tried to accommodate the request but MOA explained everything has been set in place and  that to change the date would mean disturbing the already prepared sche­dule of events,” paliwanag ni Barrios.

Ang MOA Arena ang siyang lugar na pagdarausan ng mga laro at mahihirapan ang venue na baguhin pa ang kanilang nakatakdang programa sa Agosto.

Ang Ninoy Aquino Stadium ang siyang tinapik bilang alternate venue.

Naintindihan naman ng mga bansang nagnais na baguhin ang iskedyul ang problemang kakaharapin ng bansa kung pauunlakan kaya’t naayos na rin ng prob­lema.

Sa Hunyo 6 itinakda ang drawing of lots ng 16 bansa na kasali na pangungunahan ni FIBA-Asia secretary-general Hagop Khajirian.

Samantala, bukas naman ipakikita ang logo ng nasabing  torneo sa halftime ng laro sa PBA sa pagitan ng Ginebra at Talk N’Text.

Show comments