Laro ngayon
(Ynares Arena)
2 p.m. Fruitas vs Big Chill
4 p.m. EA Regen Med vs Cagayan Valley
MANILA, Philippines - Ikalawang sunod na panalo ang hahangarin ngaÂyon ng Big Chill sa pagharap sa Fruitas sa PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Magtutuos ang dalawa sa ganap na alas-2 ng haÂpon at kasunod nito ang bakbakan ng mga galing sa talong koponan na EA Regen Med at Cagayan Valley dakong alas-4 ng hapon.
May dalawang sunod na kabiguan ang Team Delta upang maunsiyami ang paÂnalo na nakuha sa unang asignatura habang ang Rising Suns ay nalusutan ng Superchargers sa huling laban, 92-93, upang malaglag sa 3-2 karta.
Ang dikitang panalo na naitala ng tropa ni coach Robert Sison ang kanyang sinasandalan na magpapatuloy laban sa Shakers na lumasap ng unang pagkaÂtalo matapos ang tatlong sunod na panalo.
“Napahinga kami ng daÂlaÂwang araw at sana ay hinÂdi magbabago ang larong naipakita nila sa Cagayan. Galing sa talo ang Fruitas kaya’t tiyak na gusto nilang makabawi,†wika ni Sison.
Tinitingnan naman ni Fruitas mentor Nash Racela ang labang ito bilang pagsukat sa character ng kanyang batang koponan.
“Galing kami sa talo at mabigat na kalaban ang Big Chill. It will be a test of the team’s character,†wika ni Racela.
Kung manalo ang ShaÂkers, mananatili sila sa ikalawang puwesto ngunit kung ang Big Chill ang papalarin, aangat ang koponan sa ikalawang puwesto kasama ang Cebuana Lhuillier at Café France.