SMBeermen dinurog ang Slingers sa ABL

MANILA, Philippines - Hindi nakaapekto ang ma­habang bakasyon para sa San Miguel Beermen nang kanilang durugin mu­li ang Singapore Sli­ngers, 78-57, sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) ka­ha­pon sa Yñares Sports Are­na sa Pasig City.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Beermen sa Slingers para i-angat din sa pito ang pagpapanalo pa­tungo sa pumapangalawang 10-3 karta sa anim na koponang liga.

Si Chris Banchero uli ang nanguna sa koponan sa kanyang 19 puntos, mula sa 8-of-13 shooting, habang si Leo Avenido ay may 16 puntos.

Ang mga imports na si­na Justin Williams at Brian Williams ay nagsanib sa 24 puntos at 16 rebounds.

Ito ang ika-limang pana­lo sa huling pitong laro na na­limitahan ng Beermen ang katunggali sa 60 puntos pababa.

May 19 puntos at 15 rebounds si Rashad Jones Jennings para pangunahan ang tatlong Slingers na may doble-pigura, ngunit ang karamihan sa kanilang na­iskor ay sa panahong sel­yado na ng Beermen ang panalo.

Sa first period lamang na­kasabay ang bisitang ko­ponan matapos huling ha­wakan ang 10-7 kalama­ngan.

Dalawang tres ang bi­nitiwan ni Avenido para isu­long ang 13-5 palitan at ibigay sa Beermen ang 20-15 kalamangan.

Mula rito ay iniwan na ng Beermen ang Slingers at ang pamalit na si Paolo Hubalde ang nagtala sa pi­nakamalaking kalamangan sa laro na 26 puntos, 71-45, nang akuin ang tatlong sun­od na puntos sa 3:55 sa orasan.

 

Show comments