Sa pagsagupa ng team Phl kontra sa Thailand sa Davis Cup Gonzales gustong ibigay sa bansa ang 1-0 abante

MANILA, Philippines - Sasandalan ni Ruben Gon­zales ang kanyang ma­lawak na karanasan sa pag­lalaro upang ibigay ang mahalagang unang panalo laban sa batang si Wishaya Trongcharoenchaikul sa pag­bubukas ngayon ng Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup semifinals sa Plantation Bay Resort at Spa sa Lapu Lapu City.

Si Trongcharoenchaikul ay isang 17-anyos na netter at bagama’t handa ito na si­latin si Gonzales, nanana­lig naman ang 27-anyos Fil-Am na kaya niyang ma­kapag-execute sa laro para ibigay ang 1-0 karta sa host country.

Ang ikalawang laro ay sa pagitan nina Thai No. 1 at 2006 Asian Games gold medalist Danai Udomchoke at Johnny Arcilla na mag­sisimula matapos ang unang tagisan na itinakda sa alas-3:30 ng hapon.

Ang mananalo sa tie ay aabante sa Finals laban sa alinman sa New Zealand o Pakistan.

Aminado ang mga Thais na mapapalaban si­la dahil bukod sa mga bata ang kanilang manlalaro ay nga­yon din lamang sila sa­salang sa clay court.

“We haven’t played that much on a surface like this but we are ready to adapt,” wika ng non-pla­ying team captain ng bi­sitang ko­ponan na si Tanakorn Sri­chapan.

Ang aksyon ay magpapatuloy bukas sa doubles sa ganap na alas-6 ng gabi.

Nominado sina Fil-Am Treat Huey at Francis Casey Alcantara laban sa Thai junior players na sina Nuttanon Akadchapanan at Pruchya Isarow, pero pu­wedeng magpalit ng man­lalaro isang oras bago ang labanan

Ang reversed singles ay gagawin sa Linggo at ang unang laro ay sa ganap na alas-3:30 ng hapon.

Limang beses nagkita ang Pilipinas at Thais sa Davis Cup at angat ang host country sa 3-2 iskor.

Show comments