Delta pakay ang ika-2 dikit na panalo vs Waves

MANILA, Philippines - Plano ng baguhang EA Regen Med na madugtu­ngan ang pagpapanalo sa pagharap sa Boracay Rum sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay itinakda sa ganap na alas-2 ng ha­pon at ikalawa sa tatlong larong matutunghayan sa pagbabalik-aksyon ng liga.

Unang tagisan sa ganap na alas-12 ng tanghali ay sa pagitan ng Big Chill at Café France habang ang huling laro ay katatampukan ng Cagayan Valley at Jumbo Plastic dakong alas-4 ng hapon.

Ang Fruitas Shakers ang nangunguna sa 12 koponang kasali sa 3-0 baraha habang ang EA Regen ang nasa ikalawang puwesto sa 1-0 karta.

Galing ang koponan sa 83-58 pagdurog sa Hog’s Breath sa unang asignatura at ipinalalagay ng marami na ang koponang hawak ni coach Vergel Meneses ang team-to-beat dahil sa lakas sa opensa at depensa.

Samantala, mag-uunahan ang Superchargers at Bakers sa pagsungkit ng ikatlong panalo sa apat na laro para makatabla ang Blackwater Sports.

Show comments