MANILA, Philippines - Magandang panimula ang naitala ng Pambansang duathletes sa kalalaÂkihan nang kunin nina Carlo Jose Pedregosa at Robeno Javier ang una at ikatlong puwesto sa duathÂlon event na bahagi ng 2013 South Sumatra ITU Triathlon Premium Asian Cup Elite sa Jakabaring Sports City sa Palembang, Indonesia.
Ang 10-k run, 40-k bike at 5-k run event ay pinaglabanan noong Sabado at si Pedregosa ang lumabas na nagtaglay ng pinakamagandang kondisyon sa mga sumaling duathletes mula sa 20 bansa sa naÂngungunang dalawang oras, 10 minuto at 46 segundo.
Agad na nagpasikat si Pedregosa, anak ng daÂting tinitingalang middle at long distance runner na ngayon ay national duathlon coach na si Edgardo, nang sabaÂyan sa unahan sa unang run leg si Muhammad Taufik ng Indonesia.
Sinikap nina Shahrom Abdullah at Javier na bigyan ng magandang laÂban si Pedregosa nang naÂkaÂdikit sa bike ngunit may naitatago pang sapat na lakas ang batang duathlete upang tuluyang dominahin ang huling run leg.
Ang number one duathÂlete ng Malaysia na si Abdullah ang kumuha sa ikalawang puwesto, kapos lamang ng 59 segundo kay Pedregosa, sa naitalang 2:11:45 habang si Javier, na siyang numero uno sa Pilipinas, ang kumuha sa bronze medal sa tiyemÂpong 2:13:42.
Isinali rin sa kompetisÂyon si Robinson Esteves at tumapos siya sa ikaanim na puwesto sa 2:16:24 oras.
Ito ang unang karerang nilahukan ng mga duathletes ng bansa at kumbinsido si TRAP president Tom Carrasco Jr., naninilbihan din bilang POC Chairman, na sa pagpupursigi ng mga atleta at masusing pagsasanay ay madaragdagan pa ang panalong makukuha sa taong 2013.