MANILA, Philippines - Susi sa target na panalo ng mga siklistang kasali sa 2013 Le Tour de Filipinas ang pagdomina sa Stage Four na Bayombong (Nueva Vizcaya) hanggang Baguio City na ruta.
Bagamat hindi kahaÂbaan ang tatakbuhing disÂÂtansya na nasa 133.5 kilometro, masusukat uli ang tibay at tikas ng mga sasali dahil sa mga ahunan na 90% na makikita sa nasabing ruta.
Si Baler Ravina ang siyang nagdedepensang kampeon at inihayag niya ang kahandaan na mapaÂnatiling hawak ang titulo kahit maraming mahuhusay na dayuhang koponan bukod sa mga local teams ang susukat sa kanyang galing.
“Isang taon ko rin hinintay itong karera at talagang naghanda ako rito para maidepensa ang titulo ko. Alam kong mabibigat ang mga kasali lalo na ang mga dayuhan, pero itinuturing ko ito bilang dagdag inspirasyon para maipakita ang kalidad ko,†wika ni Ravina.
Naging mabisang sandata sa panalo ni Ravina ang pangunguna sa Stage Four.
Nakasabayan ni Ravina si Joel Calderon na nakapagsumite ng apat na oras, 36 minuto at 06 na segundo nang dominahin ang huling stage na dumaan sa bulubundukin ng Cordilleras na kilala rin bilang Northern Green Alps.
Naniniwala naman si race organizer Gary Cayton ng Dynamic Outsource Solutions. Inc.na ang rider na makakapagtala ng bagong course record sa Stage four ang kikilalaÂning kampeon ng Le Tour na gagawin mula Abril 13 hanggang 16.
“That time submitted by Calderon and Ravina stands as the record of the latest and biggest challenge in Philippine cycling. That is the time to beat and whoever does has a great chance of becoming the champion this year,†wika ni Cayton.