Buenavista, Kenyan runner kampeon pa rin

MANILA, Philippines - Muling namayagpag ang mga defending champions sa 21km men’s at 10km foreign categories sa idinaos na “3rd Takbo Para sa Karunungan” ng DZMM matapos nilang makuhang muli ang kampeonato sa karerang ginanap kahapon sa Quirino Grandstand kung saan higit sa 3,000 ang tumakbo para matulu­ngan ang 75 na iskolar ng himpilan.

Pinangunahan ng two-time Olympian at ngayo’y two-time DZMM “Takbo Para sa Karunungan” champion na si Eduardo Buenavista ang 21km sa tiyempong 1 oras, 13 minuto at 21 segundo.

Muli ring tinanghal na pinakamabilis sa mga banyagang kalahok ang Kenyan na si Willy Rotich  na binaybay ang habang 10km sa oras na 32:57.

Nanguna naman si Lui­sa Raterta sa 21km women’s category sa oras na 01:33:09.

Sina Richard Salano (33:20), Rene Herrera (34:26) at Orson Quisay (35:52) naman ang pinakamabibilis sa 10km race para sa mga lalaki, habang sina Jenysmyl Mabunga (41:37) na sinundan nina Michelle De Vera (45:00) at Jenelyn Jurdilla (46:41) naman ang pinakamabilis 10km race para sa mga babae.

 

Show comments