Laro Ngayon
(Singapore Indoor Stadium)
3 p.m. Singapore Slingers vs San Miguel Beer
MANILA, Philippines - Iangat sa anim na suÂnod ang pagpapanalo ng San Miguel Beer ang haÂngad ng koponan sa muling pakikipagtuos sa Singapore Slingers sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) ngayong hapon sa Singapore Indoor Stadium.
Ang laro ay magsisiÂmula sa ganap na alas-3 ng hapon at pinapaboran ang Beermen na maisakatuparan ang layunin dahil sa ibayong laro na naipakita ng koponan.
Gamit ang matibay na depensa, ang huling apat na panalo ay nakitaan ng paglimita ng tropa ni coach Leo Austria sa kalaban sa 60 puntos.
Pangunahing dahilan ng pagtikas ng depensa ay dahil sa 6’10 na si Justin Williams na naghatid ng 13 blocks sa huling dalawang laro na kinakitaan ng pagdodomina ng Beermen laÂban sa Slingers, 73-53, at Saigon Heat, 80-55, na parehong inilaro sa Vietnam noong Marso 15 at 17.
“The entry of Justin Williams fortified our inside defense further with his shot blocking prowess. The players started to embrace the defensive system and we are reaping dividends,†wika ni Austria.
Nakakatulong ni Williams sina 6’10 Brian WilÂliams at Asi Taulava haÂbang ang opensa ay ibinibigay nina Chris Banchero, Leo Avenido at RJ Rizada.
May 2-0 karta ang Beermen sa Slingers matapos kunin din ang unang pagtutuos, 66-55, noong Pebrero 24.
Kung manalo pa uli, sasaluhan nila sa itaas ng team standing ang pahiÂngang Indonesia Warriors na may 9-3 karta.
Kailangan naman ng Slingers na maibalik ang tikas ng paglalaro dahil huli silang nanalo ay noon pang Pebrero 22 sa Heat, 76-72.