Laro Ngayon
(Rizal Memorial Football Stadium)
MANILA, Philippines - Ang pagiging sariwa ng kanyang koponan ang siyang sasandalan ni Azkals coach Hans Michael Weiss sa pagbangga sa Cambodia sa pagpapatuloy ng 2014 AFC Challenge Cup Group E Qualifiers ngayong gabi sa Rizal Memorial Football Stadium.
Galing ang Cambodia mula sa 0-7 pagkakalampaso sa kamay ng Turkmenistan noong Biyernes pero hindi nagkukumpiyansa si Weiss dahil may apat na manlaÂlaro ng nasabing koponan ang hindi ginamit sa unang asignatura.
“We are fully fresh, that puts them on a high pressure. I hope their top four players that they mixed on training play so we have an exciting match against them,†wika ni Weiss na pinanood ang laban ng Cambodia at Turkmen.
Sa ganap na alas-7:30 ng gabi magsisimula ang tagisan at pakay ng Azkals na kunin ang ikalawang sunod na panalo para pantayan ang karta ng Turkmenistan.
Ang Pilipinas at Turkmen ang magtutuos sa pagtatapos ng laro sa Martes para malaman kung sino ang lalabas na number one sa Qualifiers.
Aabante sa Maldives ang kampeon ng limang Qualifiers habang ang dalawang pumangalawang koponan na may pinakamataas na puntos ay magpapatuloy din ng laban.
Hindi pa tiyak kung makakalaro si goal keeper Neil Etheridge dahil may sisilbihan siyang one-game suspension pero nasa koponan naman si Roland Muller na ayon kay Weiss ay nasa magandang kondisyon dahil batak sa laro.
Pinalakas pa ang Azkals ng pagdating ng mga mahuÂhusay na Fil-Foreigners na sina Stephan Schrock, Dennis Cagara at Juan Luis Guirado bukod pa sa pagpasok ng baguhang si Javier Patino.
Ang mga locals ay pinamumunuan naman nina Chieffy Caligdong at ang magkapatid na sina Phil at James Younghusband.