MANILA, Philippines - Sta. Cruz, Laguna --Kumuha ng dalawang gintong medalya ang Rizal -TahaÂnang Walang Hagdanan sa wheelchair basketball matapos walisin ang 3-on-3 at 5-on-5 events sa pagsasara ng 2nd Philippine Sports Commission-Philippine Sports Association for the Differently Abled Para National Games.
Kinailangan ng Rizal TWH, kinabibilangan ng apat na miyembro ng national team, na talunin ang Philippine Orthopedic Center (POC) Mustangs na may anim na kasapi ng RP squad para kunin ang 68-61 panalo sa kampeonatong isinagawa sa Laguna Sports Complex.
Hinirang na Most ValuaÂble Player si Marcos Rabasto ng Rizal TWH.
Kinuha rin ng Rizal ang ginto sa 3-on-3 nang igupo ang QC POC Mustangs, 21-12.
Sinikwat ng Davao City Aguila ang titulo sa Goal Ball matapos itala ang pinakamataas na goal difference kontra sa Philippine National School for the Blind (PNSB-NCR).
May magkatulad na 5 panalo at 1 talo ang dalawa, ngunit dahil sa 24-22 na dami sa goal ay tinanghal na kampeon ang Aguila.
Nanalo sa Chess for visually impaired ang non-rated na si Menandro Redor na may 6.5 puntos para sa ginto kontra kina Rodolfo Canonigo (pilak) at Melchor Pizarro (tanso) habang muling wagi din sa Orthopedically handicapped si Sander Severino (ginto), Henry Roger Lopez(pilak) at Joseph Gregana (tanso).